fbpx

Announcements

Nagtataka kung bakit walang natatanggap na job offers?

Date Posted: 04/12/2012

Naiinip ka na ba o nawawalan ng pag-asang makatanggap ng job offer? Nag-apply ka ba online araw-araw o lingo-linggo pero hindi nai-interview? Isa sa mga ito ang posibleng dahilan:

1. Ang resume mo ay hindi nagpapakita ng tamang larawan ng iyong trabaho.

Kailangang ipakita sa iyong resume ang iyong solid track record, hindi lamang ang job description o listahan ng duties and responsibilities. Kailangang i-emphasize ang iyong ‘accomplishments’ sa bawat position na iyong nadaanan.

2. Nakakaantok at hindi professional ang iyong cover letter.

Halimbawa:

To whom it may concern,

Mag-aaply poh sna ako kng anung puwede sa experience ko poh. Sna poh matulungan nyo aku. Send ko  na poh resume ko online. Pls reply.

Respectfully,

Email Texter

Ang iyong cover letter ay dapat maglaman ng summary ng iyong qualifications. Alalahanin na ang cover letter ay ang ‘COVER’ ng iyong detailed resume. Kailangang ilagay dito kung bakit kailangang basahin ng employer ang iyong resume. Kung sa unang pahina ay hindi ka sigurado kung ano ang gusto mong trabaho, paano mo maipapakita na interesado ka sa posisyon o sa kumpanya?

3. Pay attention to details.

Siguraduhin na maayos at tama ang spelling ng mga pangalan, mga petsa, mga punctuation marks. Ang maling paggamit ng mga ito ay nagbibigay ng maling impression sa employer. Kung kulang-kulang ang job description at petsa, iisipin ng makakabasa na hindi mo pinaghandaan ang iyong paggawa ng resume, ibig sabihin, hindi ka interesado sa trabaho.

Kung nag-lista ka ng contact number at palaging unattended ang mga ito, o hindi ka nag-re-reply sa email, ito ay nangangahulugang hindi ka rin interesado sa trabahong inapply-an mo.

4. Walang impact ang iyong interview.

Hindi ka naghanda at hindi mo ipinakita na enthusiastic ka sa application mo. Kung hindi mo paghahandaan ang iyong interview sa pamamagitan ng research sa kumpanya at sa trabahong iyong inapply-an, hindi mo malalaman kung ikaw nga ba ay qualified at magiging ‘asset’ sa kumpanya.

Ang resume mo ay isang bagay lamang sa proseso ng job-hunting. Ang interview ay mas mahalagang paghandaan. Ito ay isang step para ipakita kung bakit ikaw ang dapat bigyan ng trabaho at hindi ang ibang applicants na maaaring mas magaling sa iyo. Makikita sa interview kung paano mo nakikita ang kaya mong ibigay na serbisyo sa employer sa tulong ng iyong work experience, accomplishments at commitment.

Ang.interview ay hindi one-sided. Kailangan mo rin alamin sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa trabaho at sa ‘expectations’ ng employer sa taong kanilang mapipili. Dito maipapakita na interesado kang malaman kung ang trabaho ba ay naaayon sa iyong experience at kakayahan, personalidad at pansariling expectations.

Maraming paraan upang magkaroon ka ng ‘advantage’ sa paghahanap ng trabaho. Pagyamanin mo ang iyong skill sets, mag-self-study ka ng bagong wika, i-upgrade ang computer skills, magbasa tungkol sa industriya na iyong ginagalawan, makibalita sa mga kaibigan sa industriya o ibang industriya, i-update ang iyong resume. Pagtuunan ng pansin ang mga bagay na magbibigay sa iyo ng karagdagang kaalaman at mas malawak na network.

Tandaan na ang trabaho ay hindi kusang lalapit. Kailangang pag-ukulan mo ng tiyaga, panahon at focus ang job-hunting upang makamit mo ang tamang trabaho para sa iyo..

Para sa karagdagang kaalaman, o kung may katanungan, maaari lamang na tumawag or magsadya sa aming tanggapan. www.ikonlink.com Kami ay masayang tutulong sa inyo.

Back to Mobile Site