Frequently Asked Questions
- Nais kong magtrabaho sa ibang bansa. Ano ang dapat kong gawin?
- Ano ang mga dokumentong kailangan ipasa?
- Kailangan ko bang pumunta para sa pakikipanayam?
- Gaano katagal para makahanap ng trabaho sa ibang bansa?
- Kung ako ay mapipili, sino ang mangangasiwa ng pag-aayos ng aking mga papeles/dokumento?
- Magkano ang dapat kong bayaran sa Ikon?
- Nais kong magtrabaho sa ibang bansa. Ano ang dapat kong gawin? Back to Top
Ang Ikon ay nakahandang tumulong sa mga nagnanais magkaroon ng trabaho at oportunidad sa ibang bansa. Maaaring ipasa ang inyong application form sa pamamagitan ng My Ikon Log-In.
- Ano ang mga dokumentong kailangan ipasa? Back to Top
Lahat ng mga naghahanap ng trabaho ay kailangang magpasa ng application form. Gayundin ang mga dokumento tulad ng transcript of records, diplomas, mga naaayong sertipiko o katunayan, at larawan. Maari rin kayong hingan o magsumite ng iba pang mga dokumento.
- Kailangan ko bang pumunta para sa pakikipanayam? Back to Top
Sa oras na ang Ikon ay makahanap ng naaayon na trabaho para sa iyo, ikaw ay kakailanganing sumailalim sa unang pakikipanayam upang malaman ang iyong kakayahan. Sa resulta ng nasabing panayam, ang mapipiling aplikante ay muling sasailalim sa ikalawang panayam.
Maaari lamang na siguruhin na ang mga numero na nasa inyong application form ay updated para kayo ay matawagan ng kinatawan ng Ikon.
- Gaano katagal para makahanap ng trabaho sa ibang bansa? Back to Top
Ang paghihintay na magkaroon ng trabaho ay depende lamang sa kinakailangang trabaho sa ibang bansa, uri ng trabaho, kakayahan ng aplikante, katangian, kaalaman at karanasan.
Upang mapadali ang pamamaraan, lahat ng matatanggap na application ng Ikon ay itatabi sa central database. Kapag mayroon ng nakatalang impormasyon mas madali na upang maihanap ng naaayong trabaho.
- Kung ako ay mapipili, sino ang mangangasiwa ng pag-aayos ng aking mga papeles/dokumento? Back to Top
Kapag may napili na sa mga aplikante, ang Ikon ang mangangasiwa sa pag aayos ng mga kinakailangang dokumento. Kasama rito ang pagsusuri sa kalusugan, POEA clearance, pagkakasapi sa OWWA at iba pa.
- Magkano ang dapat kong bayaran sa Ikon? Back to Top
Ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay nagpapahintulot sa mga ahensiya o tanggapan na mangolekta ng nararapat na bayad na kasing halaga ng isang (1) buwang sweldo ng aplikante.