fbpx

Career Tips

Paano Makikibagay sa Multi-cultural na Paligid ng Trabaho Abroad

Date Posted: 09/15/2020

Masasabing matagumpay ang multi-culturalism o pagkakaroon ng iba’t ibang kultura kung bawat isa ay matiwasay na nagtatrabaho at namumuhay nang magkakasama habang malayo sa kani-kanilang pinanggalingan. Isa itong pangangailangan sa bumibilis na globalisasyon. Bilang Pilipino na nagtatrabaho abroad, kinakailangang iyong maunawaan ang mga paraan na makatutulong upang makaangkop sa pangangailangan sa trabaho at uri ng pamumuhay abroad.

Bilang propesyonal na nakabase abroad, iyong kinakailangan ang malawak na pagtahak sa aspekto ng pakikipaghalubilo sa mga katrabaho saan mang panig sila nagmula. Ang umalis sa nakasanayang kultura at pagpasok sa bagong teritoryong naiiba ang kultura nang hindi bias sa anumang komunidad at pagkabahala sa mga katrabaho mula sa nagkakaibang kultura ay hindi madali. Ang pagkakaroon ng interes at pag-aaral na maunawaang bigyang halaga ang paraan ng pamumuhay ng iba, tamang pag-iisip at pagtugon sa sitwasyon, gaano mang nakapaninibago ay makatutulong sa pagpapabuti bilang indibidwal. Anumang pag-iisip ng cultural superiority o nakatataas sa aspekto ng kultura ay wala sa lugar at maglalagay sa alanganin na mapalayo o ma-isolate. Iwasan ang negatibong paghahambing sa sariling kultura at sa iba at lumayo sa paniniwalang ang sariling kultura ang nakatataas. Tanggapin ang nagkakaibang pananaw upang lumago ang sariling pag-uugali at perspektibo.

Narito ang ilang subok na paraan sa pagtatrabaho sa multi-cultural na paligid na nakatutulong nang mabutu sa mga propesyonal at personal na obhektibo:

Pagbutihin ang sarili sa pamamagitan ng multi-cultural exposure
Alalahaning lahat ng kultura ay lumago’t nagbagi sa sarili nitong pinagmulan at lohika sa paglipas ng panahon kung kaya’t anumang kultura ay hindi maaaring ituring na masama dahilan sa bago ito sa iyo. Hindi rin basta matutumbasan ng mga nabasa o napanood ang personal na exposure sa mga katrabaho. Gamitin ang oportunidad na magkaroon ng kaalaman tungkol sa ibang kultura. Unawaing ang mga pag-uugali, nakagawian, at pananaw ng mga kasamahan mula sa iba’t ibang bansa ay humulma sa kanilang pagkatao. Ang pagkakaiba-iba ng mga tao mula sa iba’t ibang bansa sa trabaho ay magdudulot sa iyo na umani ng benepisyong propesyonal na kolaborasyon, pinagtibay na tiwala sa cross-cultural na aspekto, at mas mabuting ugnayang propesyonal.

Makisalamuha sa mga tao
Makihalubilo upang mailahok ang sarili sa pinagkakaisang multi-culturalism sa trabaho. Ang pagiging sensitibo sa nagkakaibang mga kultura ay susi upang iyong mabuo ang mainam na pakikipag-ugnayan sa katrabaho mula sa iba’t ibang bansa.

Iwasan ang panglalahat o generalization
Ang pag-iisip ng negatibo ukol sa iba’t ibang kultura ay nakabase sa masamang palagay at panglalahat na hindi kainlanman makatuwiran. Samakatuwid, dapat maging malalim sa pang-unawa at ituring ang mga tao nang may kabutihan anuman ang lugar na pinanggagalingan. Bumuo ng pagkakaibigan saan mang dako. Iyong mapagtatanto ang unibersal na pagkakahalintulad ng sangkatauhan; na ang mga indibidwal mula sa iba’t ibang kultura ay gaya mo lamang din na indibidwal.

Iwasan ang haka-haka
Ang pagtatangka na bumuo ng negatibong haka-haka tungkol sa mga tao ng ibang kultura ay wala sa lugar na cultural ego. Iwasang maging mapanghusga tungkol sa pagpapahalagang kultural ng ibang lipuan sapagkat nagdudulot lamang ito ng dibisyon sa pagitan ng mga tao at problema sa trabaho.

Pahalagahan ang ibang kultura
Matutong bigyang halaga ang nagkakaibang aspekto—sa pagkain, relihiyosong paniniwala, pinagmulan at mga nakagawian sa lipunang ginagalawan ng iyong mga ibang lahing katrabaho, ito’y kahit na lubusang naiiba sa sariling kultura. Tanggapin ang bawat kultura sa natatangi nitong pagpapahalaga at tradisyon nang may respeto at walang pangungutya. Maging bukas sa iba’t ibang kultura, sentimyento, at paniniwala ng iba. Magpakita rin ng gana o interes sa kanilang gawaing banyaga. Huwag hayaan ang mga impluwensyang magdudulot sa iyo upang magpakita ng kawalan ng respeto sa ibang kultura at mang-alipusta ng tradisyon dahilan sa naiiba ito mula sa iyo. Ang pagtanggap sa kanilang pagkakaiba-iba ay makahihikayat upang tumugon din sila nang pareho at naising ika’y makasama sa mga propesyonal na kolaborasyon.

Maging maparaan sa sensitibong pakikitungo
Upang magkaroon ng positibong interaksyon, laging ibahagi ang iyong mga ideya nang hindi minamaliit ang ibang kultura. Huwag maging iritable sa tuwing nagpapaliwanag, maging simple at klaro nang maunawaan ang punto ng isa’t isa. Maging interaktibo sa sinasabi ng iba upang kanilang mabatid ang iyong pagkakaunawa sa kanilang sinasabi.

Unawain ang pagkakaiba-iba
Kilalanin ang iyong katrabaho maging sa hindi tahasang pansing pagkakaiba at hindi sinasalitang komunikasyon. Ang iba-ibang nakaugaliang pagkain, ispiritwal na paniniwala, pananamit, at kabuuang pag-uugali ay magpapakita ng maraming kamangha-manghang aspekto ng minanang kultura ng iba. Ang mga bagong kaalaman sa kultura ay magdudulot upang iyong maunawaan ang iba’t ibang pag-uugali sa trabaho.

Magkaroon ng lugar para nagkakaibang pananaw
Huwag mainis o mairita sa tuwing humaharap sa hindi magandang sitwasyon na hindi mahalaga o makatutulong at maaaring maging dahilan ng problema sa trabaho katuwang ang iba lahi. Sa pagtatrabaho abroad, kinakailangang maging bukas sa mga hindi nakasanayang banyagang pag-uugali ng mga katrabaho upang maging maayos ang takbo at matapos sa takdang panahon ang mga gawain. Alalahaning, ang pamunuan ay nakamasid. Kung kaya’t sa iyong kapakanan, huwag ikulong ang sarili at matutong makisama sa iba’t ibang kultura. Hayaang mapansin ng mga nakatataas ang iyong mainam na kakayahan sa malayang pakikipaghalubilo sa mga taong naiiba ang kultura. Maaari itong maging iyong lamang sa iba upang makonsidera sa proyekto na mangangailangan ng isang lider malawak ang kasanayan pagdating sa maraming kultura.

©2020 Ikon Solutions Asia, Inc.

All rights reserved. No part of this article shall be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without written permission from Ikon. No patent liability is assumed with respect to the use of the information contained herein. Although every precaution has been taken in the preparation of this article, the publisher and author assume no responsibility for errors or omissions. Neither is any liability assumed for damages resulting from the use of information contained herein.

Ikon specifically disclaims any responsibility for any liability, loss or risk, personal or otherwise, which is incurred as a consequence, directly or indirectly, of the use and application of any of the contents of this article.

Back to Mobile Site