fbpx

Career Tips

Mga Subok na Paraan ng Pakikisama sa Isang “Bad Boss”

Date Posted: 05/26/2020

Mapipili mo ang iyong kaiibiganin, mapapangasawa, maging ang iyong hairdresser o doktor subalit hindi ang iyong magiging boss. At nariyang makatatagpo mo ang tinatawag na bad boss, maaaring sa trabaho sa barko, mamahaling hotel resort, mga health institution o saan man, na magpapabigat na iyong buhay sa trabaho. Kung kasalukuyan kang nakikisama sa nasabing boss, katuwang mo ang bilang ng maraming empleyadong nakararanas at nagsasabing ang pakikitungo sa kanilang boss ang isa sa mga pinakamahirap na parteng nakaaapekto sa kanilang propesyon. Ngunit alalahanin, mabuti o masama man ang iyong boss, hindi niya narating ang posisyon nang nagkataon lamang. Maraming taon ang kinailangan upang mapatunayang karapat-dapat siya sa posisyon. Kung kaya’t isa lamang itong suliraning natural sa tao na marapat harapin nang naaayon. Hindi magtatagal, sa kagustuhan mo’t hindi, madadamay ka sa mga hindi kaaya-aya kung saan susubukin ng iyong boss ang iyong pagkatao hanggang sa siya o ikaw ang magwagi o ‘di kaya’y mauwi sa iyong pag-alis, maliban kung mahaharap mo ito nang maigi bago iyon mangyari. Gayunman, upang magtagumpay sa trabaho, hindi mo maaaring tahasang tutulan o hamunin ang iyong boss. Samakatuwid, upang magtagumpay sa iyong karera, magpakita lagi ng respeto at aralin kung paanong mababawasan ang problema.

Tukuyin ang hindi magagandang katangian. Bukod sa anumang personal na suliranin sa pagitan mo at ng iyong boss, ating bigyang pansin ang pagtukoy sa mga katangiang umiiral sa isang “bad boss.”

  • Kanya bang tinitignan nang malawak at hindi basta-basta ang mga bagay o ang kanya lamang pansariling katuwiran at pamamaraan ang ninanais at madalas ay wala sa lugar?
  • Nagpapakita ba siya ng kapasidad sa pamumuni at nakapagpapanatili ng pagganap?
  • Nagpapakita ba siya ng magandang karakter, maparaang pag-iisip, etika, at abilidad sa panghihikayat gamit ang lohika
  • Nakapagbibigay ba siya nang makatuwirang argumento nang kalmado o siya’y namumuwersang tanggapin ito at gumagamit ng kapangyarihan upang maipilit ang sa kanya?
  • Kanya bang nakukuha ang katapatan, kooperasyon, at kumpiyansa mula sa nakararaming kasamahan?
  • Siya ba’y mapanlinlang at nagpapasa ng sisi sa iba upang makapanlamang? Siya’y hindi umaako ng sariling pagkakamali?
  • Siya ba’y arogante, hindi tumatanggap ng mga gawang hindi nagmula sa kanyang ideya, laging inaayawan ang suwestiyon at ideya ng mga nasa mababang posisyon at ng kung sinuman?
  • Nagpapakita ba siya ng pagka-irita sa tuwing hindi nauunawaan o kaya’y tinataliwas ang kanyang punto, o matiyaga at kalmado niyang ipinaliliwanag ang argumento?
  • Kanya bang sinisigurado na ang mahahalagang impormasyon na susundin ay malinaw na nakararating sa lahat?
  • Siya ba’y nagdududa at walang tiwala sa mga kasamahan?
  • Nagpapakita ba siya ng pang-unawa, suporta, at pagpapahalaga bilang lider?
  • Iniaangkop ba niya ang paraan ng pangangasiwa base sa iba’t iba at komplikadong mga isyu o siya’y hindi nagkokonsidera at nananatiling mahigpit sa naisin?
  • Ang kanya bang prayoridad ay base sa obhektibo o layunin ng departamento o siya’y wala sa pokus at hindi sigurado sa mga resolusyon?
  • Siya ba’y nakatuon sa interes ng kostumer at mausisa sa kalidad o sapat na sa kanya ang ayos lang ukol sa importansya ng kalidad ng produkto?
  • Siya ba ay mayroong kapasidad na magturo, gumabay, at magpabuti ng kanyang pinamumunuan?
  • Siya ba ay nagpapakita ng tapang, handang managot, at pinoprotektahan ang pinamumunuan mula sa mga paninisi?
  • Nagpapalaganap ba siya ng positibong kultura ng kolektibong pag-iisip at sigasig sa trabaho?
  • Kanya bang inaangkin ang mga magagandang ideya mula sa iba?

Gaano man hindi kainam o kasama, ang magpatuloy sa pamumuno ng isang bad boss ay sadyang hindi madali, kinakailangan mong makahanap ng paraan na makisama at patuloy na magampanan ang tungkulin sa kabila ng hindi kaaya-ayang paligid hanggang sa maging maayos ito.

Huwag matinag at maghintay
Isiping matatapos din ang hirap na nararanasan at mapapansin din ng ibang nakatataas ang nangyayari, lalo kung marami sa inyo ang naapektuhan. Ipanatili ang pokus sa pagpapabuti ng iyong trabaho, pagbuo ng nagkakaunawaang ugnayan sa iba pang boss labas ng iyong departamento, pagsisigurado ng magandang reputasyon kung saan kilala bilang mabuting empleyado, walang kinikilingan, hindi mareklamo, at mayroong kakayahang gampanan ang tungkulin anumang sitwasyon.

Kumilos nang maingat
Iwasang makipag-usap sa mga katrabaho ukol sa hindi magandang katangian ng iyong boss sapagkat maaaring makarating ito sa kanya nang hindi mo nalalaman. Kung kakailanganin mong magpabatid ng problema tungkol sa isang katrabaho, ipaalam ito sa HR seniors ngunit maging maingat din.

Ihayag ang pagdurusa
Maging maparaan at hindi agresibo sa pagkompronta sa iyong bad boss bagkus ay magpakita ng malasakit sa presyur na maaaring kinahaharap ng boss at mag-alok ng tulong, higit man ito sa iyong gampanin upang mapainam ang kanyang kalagayan. Ipaalam sa kanya ang pagkalito at paghihirap ng iba, at magtanong kung paano makatutulong sa sitwasyon. Kung positibo siyang tutugon, alamin pa ang suportang maaaring maibigay kaysa tumaliwas sa kanya.

Huwag magpadala o magpatalo sa iritasyon
Huwag lubusang mabahala o malungkot tungkol sa problemang ito sapagkat lilipas din ang sitwasyon. Ang hindi magandang yugto ay lilisan din subalit laging tangan mo ang iyong sarili. Magpokus sa mga paraan ng pagtatanto ng mga naisin sa buhay.

Idistansya ang sarili at magpatuloy
Gayong hindi ang iyong boss ang magtatakda ng pag-abante ng iyong karera, siya ay marapat na nariyan upang magbigay motibasyon, magpabuti, at maging gabay trabaho. Ngunit kung hindi niya ito nagagawa, maaaring humanap ng makatutulong sa iyong self-development o pagpapaunlad ng sarili. Ihalubilo ang sarili sa mga proyektong maglalapit sa iyo sa ibang nakatataas at sa kanilang mga istilo.

Huwag tularan ang pagkakamali ng iyong bad boss
Gamitin ang karanasan mula sa mga hindi magagandang pag-uugali ng iyong boss at iwasang tularan ang mga ito sa oras na ika’y maging boss. Isiping maigi ang negatibong enerhiyang naging dulot ng pag-uugali ng iyong boss at gamitin itong aral upang maging mahusay na lider.

Sa pagsusuri ng mga nabanggit na suwestiyon na bahagyang makapagbibigay ng kaginhawaan, patuloy na sumubok ng iba pang opsyon. Huwag ding hintayin ang pagdating ng matinding krisis, maaaring patuloy na humanap ng iba pang job options sa loob o labas man ng organisasyon. Kung ika’y subok sa serbisyo, hindi nanaisin ng HR ang iyong pag-alis, kanila ding mauunawaan ang rason sa pagnanais mong paglipat ng ibang departamento.

©2020 Ikon Solutions Asia, Inc.

All rights reserved. No part of this article shall be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without written permission from Ikon. No patent liability is assumed with respect to the use of the information contained herein. Although every precaution has been taken in the preparation of this article, the publisher and author assume no responsibility for errors or omissions. Neither is any liability assumed for damages resulting from the use of information contained herein.

Ikon specifically disclaims any responsibility for any liability, loss or risk, personal or otherwise, which is incurred as a consequence, directly or indirectly, of the use and application of any of the contents of this article.

Back to Mobile Site