fbpx

Career Tips

11 Paraan Para Matanggap sa Trabaho

Date Posted: 04/17/2020

Nagtataka ka ba kung bakit ang mga aplikasyon mo para sa trabaho sa ibang bansa ay hindi sinasagot ng mga recruiter? Marahil tinawagan ka para sa unang interview ngunit hindi na nakabalik pa para sa pangalawa para makuha ang trabaho.

Ngayon, iniisip mo kung makakapagtrabaho ka ba talaga sa ibang bansa para kumita ng mas malaki para sa pamilya mo. Pagdududahan mo lalo ang sarili lalo na’t may mga kakilala lang nakakakuha ng trabaho abroad sa isang iglap lang. Nagkataon lang ba ito, o minamalas ka lang, o natiyempuhan ka lang talaga?


Kung minsan, ang problema ay nag-uugat sa proseso ng aplikasyon mo sa trabaho at kung paano ka sumagot sa iyong interview. Kapag nalaman mo na ang iyong problema, ang trabaho na mismo ang tatawag sa’yo at masasabi sa iyong sarili na puwede ka ring magtrabaho abroad.

Tignan ang mga mungkahi sa ibaba para makita kung saan ka nagkulang at kung ano ang puwede mong gawin para makuha ang trabaho abroad!

1. Ang iyong cover letter. Lahat ng resume ay mayroong cover letter na agad kukuha ng atensyon ng mga pumipili ng aplikante. Siguraduhing presentable, malinis, at propesyunal ang gagawing cover letter at akma para sa trabahong gustong pasukan.

2. Ipresenta nang maayos ang resume. Dapat ipresenta ang resume sa propesyunal na paraan upang gumawa ng impresyong maaaring makakuha ng kanilang atensyon para sa isang interview. Ang maayos na resume ay dapat ipakita ang iyong mga kalakasan sa trabaho, at mayroong tamang grammar. Marapat lang din na maayos ang pagkakasunod-sunod ng iyong mga nakaraang trabaho (na nasa unahan ang pinakabago), interesanteng tignan, nakaayos na sa pormang bullet-points, at mayroong dalawang pahina. Ipapakita ang iyong kakayahang mag-isip nang kritikal, kakayahang sumunod sa mga panuntunan ng trabaho, kakayahang tumugon sa deadlines, at iba pa. Ang bawat aplikasyon na iyong ginagawa ay dapat naka-ayon sa iyong trabahong gustong pasukan.

3. References. Ang iyong dating mga katrabaho, boss, kliyente, at suppliers ay makakatulong sa iyo. Kung ayaw mong kunin ang dating boss mo bilang reference, kumuha ng isang taong personal na kakilala ka para magsalita para sa’yo. Magpaalam muna sa mga taong ilalagay bilang reference bilang respeto sa kanila.

4. Mag-ingat: Sisilipin nila ang iyong social media accounts. Ang mga pumipili ng mga aplikante abroad ay sisilipin ang iyong social media accounts at malalaman ang iyong mga kalokohan. Burahin ang iyong mga posts na may masamang lenggwahe, alak, mga litratong masyadong nagbubulgar sa iyong pagkatao na nagpapakita ng hindi magandang asal na ayaw mong makita ng iyong boss.

5. Maghanap nang matalino gamit ang Internet. Pumunta nang diretso sa Workabroad at Ikon websites kaysa maghanap sa malawak na alon ng mga trabaho sa net. Silipin din sa mga diyaryo kung may mga trabaho abroad na kwalipikado ka.

6. Maraming kakilala para sa matagumpay na paghahanap ng trabaho. Mapapalaki ng iyong malawak na mga kakilala, personal man o online, ang iyong tiyansang makahanap ng trabaho. Ang iyong kakilala ay maaaring may kakilala na matutulungan kang makahanap ng trabhaho.

7. Mag-apply ng tama, hindi ng madami. Piliing mabuti ang mga aplikasyon at mag-apply lamang sa trabahong pasok ang iyong mga abilidad at kakayahan. Magdesisyon sa kung anong daan ang gustong tunguhin ng iyong karera at tukuyin ang mga bansa at organisasyong gusto mong pagtrabahuhan sa hinaharap.

8. Apply lang nang apply. Huwag hintayin ang sagot ng isang employer. Huwag itigil ang pag-a-apply. Malay mo, marami ang mag-alok sa’yo ng trabaho.

9. Kilalanin ang sarili at maging ikaw. Huwag dayain ang resume mo. Gusto ng mga employers na ipakita mo ang tunay na kulay mo para makita nila kung ano ang puwede mong dalhin sa kanilang kompanya.

10. Interview. Dumating sa oras at manamit nang maayos at huwag gumawa ng mga palusot. Titigan sila sa mata, kumalma, at magsalita nang mabagal at klaro na hindi kinakabahan.

11. Magkwento tungkol sa sarili. Lagyan ang iyong istorya ng mga karanasan mo sa buhay, kung paano mo hinarap ang mga pagsubok gamit ang iyong abilidad.

 

Magbasa ng mga article tungkol sa tamang pagsagot sa mga tanong sa interview at huwag tumigil na turuan ang sarili ng mga bagay tungkol sa trabahong gustong pasukan.

Kung sinunod mo na ang mga nasa itaas ngunit wala pang resulta, mas ayusin ang iyong mga paraan at magpursigi pa. Ang tagumpay ay nakabatay sa iyong sipag, at pasasaan pa at darating din sa iyo ‘yon.

©2020 Ikon Solutions Asia, Inc.

All rights reserved. No part of this article shall be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without written permission from Ikon. No patent liability is assumed with respect to the use of the information contained herein. Although every precaution has been taken in the preparation of this article, the publisher and author assume no responsibility for errors or omissions. Neither is any liability assumed for damages resulting from the use of information contained herein.

Ikon specifically disclaims any responsibility for any liability, loss or risk, personal or otherwise, which is incurred as a consequence, directly or indirectly, of the use and application of any of the contents of this article.

Back to Mobile Site