fbpx

Career Tips

7 Bagay na Dapat Alamin Bago Tanggapin ang Trabaho

Date Posted: 02/20/2020

Nakakaramdam ka ba ng pagsisisi matapos tanggapin ang trabaho sa ibang bansa pagkatapos ng dalawang linggo o isang buwan? Tinatanong mo ba ang sarili kung bakit mo tinanggap ang trabaho?

Maaari mo itong maiwasan sa sa papamagitan ng mga tanong na sasagot kung makikita mo ang sarili na tatagal sa piniling trabaho. Ang pagtatrabaho abroad ay may ilang kapalit katulad ng pagiging malayo sa iyong tahanan, kaya ito ang ilang mga katanungan bago tanggapin ang trabaho abroad:

1. Ihanda ang job offer

Siguraduhing mayroon kang nakahandang job offer kasama ang iyong job title, sahod, mga benepisyo, at iba pang mga bagay na napag-usapan kasama ang iyong job description na nakasaad ang iyong mga responsibilidad sa trabaho. Sa ganitong paraan, magkakaroon ka ng dokumento ng mga ipinangako ng kompanya at mga bagay na puwede mong gamitin kapag kinausap ang iyong boss tungkol sa inatang sa iyong trabaho.

2. Anong inaasahan sa iyo ng boss mo?

Ang pagtatanong ng mga tamang katanungan ay magbibigay sa iyo ng ideya kung sa anong klaseng tao ka magtatrabaho. Kung minsan, ang aroganteng boss nakakawala ng gana kahit sa pinakamasipag na empleyado. Sa isang banda, ang boss na hindi nagagalit ay may ganitong epekto rin. Hayaan ang iyong interviewer na ilarawan ang kaniyang diskarte sa trabaho at tandaan ang mga kasagutan.

3. Gaano katagal nagtrabaho ang dating mga nasa posisyon at bakit sila umalis?

Dapat ay alamin mo ang rason kung bakit tumagal at umalis ang mga tao sa posisyong pinasukan mo. Ayaw mong tumanggap ng trabahong makakaranas ng parehong dahilan kung bakit umalis ang pinalitan mo. Maaari mo itong agapan.

4. Ano ang nagpapahirap sa trabahong ito?

Nabasa mo ang job description, masaya ka sa sahod na inaalok, at malapit nang pumunta sa huling interview. Dapat lamang na naintidihan mong mabuti ang trabaho bago mo ito tanggapin. Kung alam ng iyong employer abroad kung ano ang nagpapahirap sa trabaho, marapat lamang na alam mo rin ito. Ayaw mong mabigla na hindi mo kakayanin kung anong nagpapahirap sa trabaho.

5. Paano nasusukat ang tagumpay sa trabaho sa unang taon?

Kung ang kompanya ay may pamantayan dito, maganda kung aalamin mo ang mga bagay na ito bago tanggapin ang kahit anong trabaho sa ibang bansa at kung paano nila susukatin ang iyong performance sa hinaharap. Ang pag-alam at pag-intindi rito ay magbibigay sa iyo ng ideya kung paano tatrabahuhin ang mga trabaho sa malinaw at espesipikong layunin nito.

6. Anong malalaking pagbabago ang inaasahan mo sa hinaharap?

Parte ng iyong kasipagan ay ang pag-alam sa nakaraan ng kompanya at kung paano ka makakatulong sa kompanyang ito sa hinaharap. Maraming tao ang tumatanggap ng trabaho abroad na hindi inaalam ang mga maaaring mangyari sa hinaharap—maaaring hindi sila handa, o hindi nila nakita ang abala at siksik na trabaho sa hinaharap. Ang mga bagong pasok sa trabaho ay nabu-burn out bago pa man sila magtrabaho.

7. Paano ang proseso ng training ninyo sa mga bagong pasok?

Ang proseso ng training ay nakadepende at nag-iiba-iba base sa kompanya at posisyon. Para sa maliliit na kompanya, ang training ay on-the-job at bubuno ng 90 o 180-day assessment. Sa malalaking kompanya naman, may 90-day period na titingnan ang iyong kwalipikasyon sa aktwal na hinahanap ng trabaho. Importanteng alamin kung ikaw may inaasahang training program nang maaga.

Kung iniisip mo pa kung bakit mo tatanggapin ang trabaho, maaaring gumawa ng listahan kung bakit mo gustong tanggapin ang trabaho sa simula pa lamang. Ilista ang mga gusto mo tungkol sa trabaho at mga maaaring kaharaping problema sa hinaharap. Ang papasukin mong kompanya ay maaaring may mga pagkukulang, katulad mo ngunit ang pagbabago ay magsisimula sa’yo. Ayusin ang iyong attitude sa trabaho at alamin ang iyong lugar at kung ano ang mga magandang pagbabago na gusto mong makita sa iyo at sa kompanyang gusto mong pagtrabahuhan.

©2020 Ikon Solutions Asia, Inc.

All rights reserved.  No part of this article shall be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without written permission from Ikon.  No patent liability is assumed with respect to the use of the information contained herein.  Although every precaution has been taken in the preparation of this article, the publisher and author assume no responsibility for errors or omissions.  Neither is any liability assumed for damages resulting from the use of information contained herein.

Ikon specifically disclaims any responsibility for any liability, loss or risk, personal or otherwise, which is incurred as a consequence, directly or indirectly, of the use and application of any of the contents of this article.

Back to Mobile Site