fbpx

Career Tips

Mga Tamang Tanong na Maaaring Itanong sa Interviewer

Date Posted: 01/23/2020

Pagkatapos ng interview, tanungin ang sarili:

1. Ito ba talaga ang gusto kong trabaho?
2. Naging maayos ba ang interview ko?

Kung gusto mo talagang magtrabaho sa ibang bansa at ayos ang kinalabasan ng iyong interview, pagkakataon mo nang gumawa ng paraan para tumatak at gumawa ng magandang impresyon na magtutulak sa kanilang tawagan ka. Huwag magmadali, maghintay ng tamang pagkakataon para magtanong at magpaalam bago ito isagawa.

Wala kang masyadong oras para magtanong, kaya salaing mabuti ang mga tanong bago ito sambitin. Siguraduhing ang tanong mo ay sasagot sa mga bagay na naguluhan o walang masyadong pagpapaliwanag sa iyong isipan. Iporma ang iyong mga tanong sa paraang magpapakita ng iyong dunong at kompyansa sa iyong abilidad. Ipakita ang kagustuhang matuto.

Magtanong ng mga bagay na nagsisimula sa Sino, Ano, Saan, o Paano. Huwag magtatanong mga tanong na masasagot ng Oo o Hindi, o Bakit. Ang ilan sa mga paraan ng matalinong pagtatanong ay:

  • Iwasan ang mga tanong ng na makikita sa mga website ang kasagutan.
  • Sabihin ang iyon alam nang may buong kompyansa.
  • Magpanggap na naguguluhan (kung kinakailangan), at sabihin ang hindi mo naiintindihan upang makakuha ng klaripikasyon.

Magtanong mga katanungang may lalim na higit pa sa may kinalaman sa makukuhang trabaho.

Mga halimbawa ng mga tanong na maaari mong gamitin bilang iyo:

Is the particular department or business unit performing as per expectation and are there any new plans for expansion?

Ipapakita nito ang iyong kaalaman sa mga kinakailangan ng isang kompanya para lumago.

Is there a system of considering suggestions from my level?

Ipinapakita nito ang iyong pagiging malikhain kasama ng mga ideyang maaari mong ibahagi. Kung positibo ang sagot, magalang na magtanong ng mga pagkakataong na-apply ang policy.

What is the maximum size of the teams in the unit and is there a method used to decide this?

Ipapakita nito ang iyong karanasan sa pagtatrabaho kasama ang team, at ang sapat na dami para sa magandang mga resulta.

What is the gender mix in the department? (For female candidates)

Maipapakita nito ang iyong obserbasyon sa balanseng dami ng babae’t lalaki at ang epekto nito sa trabaho, at maaari isulong ang sapat dami ng bawat kasarian.

Is this an existing role or a new position?

Ipinapakita nito ang iyong interes sa growth plan ng kompanya at binabalak mong magkaroon ng growth sa susunod pang mga taon.

Are there any other responsibilities in this position that I should know about?

Maaaring ipakita nito ang mga iba pang mga atas ng trabaho na kailangan mong paghandaan. Klaruhin ang iyong mga abilidad at kumpirmahing kaya mo ang iba pang trabaho. Magsabi ng mga pagkakataon na nailapat mo ang iyong karansan sa mga kaalamang ito.

What will be my reporting structure and how can I support the Departmental/Section Head?

Ipapaalam ng tanong na ito ang hierarchy ng kompanya na makakaimpluwensya sa iyong karera at iyong suporta sa department head.

How will my performance be reviewed to judge its success/failure?

Ang kasagutan dito ay magsasabi kung ang iyong trabaho ay susukatin sa base sa patakaran o base sa evaluation ng supervisor at kung gaano ka ka kalaya base sa nature ng kompanya at kontrol sa loob nito.

What further professional training can I expect, and is there any scope for exposure to other related jobs?

Sasagutin ng tanong na ito kung gaano kaseryoso ang kompanya sa kanilang serbisyo at kung paano nila natutulungan ang kanilang mga empleyado.

Higit sa lahat, tandaan na ang mga katanungan mo ay maaaring bumalik din sa’yo kaya ihanda ang sarili sa maaaring sagot ng interviewer.

©2020 Ikon Solutions Asia, Inc.

All rights reserved.  No part of this article shall be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without written permission from Ikon.  No patent liability is assumed with respect to the use of the information contained herein.  Although every precaution has been taken in the preparation of this article, the publisher and author assume no responsibility for errors or omissions.  Neither is any liability assumed for damages resulting from the use of information contained herein.

Ikon specifically disclaims any responsibility for any liability, loss or risk, personal or otherwise, which is incurred as a consequence, directly or indirectly, of the use and application of any of the contents of this article.

Back to Mobile Site