fbpx

Career Tips

Paano ang Matagumpay na Pagsumite ng CV

Date Posted: 11/18/2019

Halos lahat ng kumpanya ay mayroong “job board” at tinatawag na “careers page” ngunit paano masisiguro ang matagumpay na pagsumite ng iyong resume?

Narito ang ilang tips upang masigurong naipasa at kumpleto ang tala ng iyong profile:

 

  1. Gaano kadalas marapat na i-update ang iyong profile?

Ang nakakaligtaang pag-update ng profile matapos mai-post o mailagay sa job board ang kadalasang pagkakamali ng mga aplikante na maaaring makaapekto sa kung paano makikipag-ugnayan ang recruiter. Siguraduhing panatilihing updated ang contact details at work experiences sa tuwing mayroong pagbabago. Maiging i-update kada tatlo o anim na buwan ang profile. Makikita sa database ang petsa ng huling pag-update ng profile. Kapag nakita na ang iyong profile ay huling pang binago sa nakalipas na dalawang taon, maisasantabi ang aplikasyon sa pag-iisip ng recruiter na maaaring nagbago na ang iyong contact information o marahil ay hindi ka na kasalukuyan pang naghahanap ng trabaho. Ito’y lalo kapag urgent ang paghahanap ng recruiter.

  1. Ilang job boards ang marapat na gamitin?

Maaari kang mag-sign up  sa ilan mang job boards kung nanaisin sapagkat magpapataas ito ng online exposure sa job opportunity. Sikat ang mga job board gaya ng WorkAbroad.ph, Jobstreet.com, JobsDB.com,  at Monster.com. Gayunpaman, aming nirerekomenda ang paglimita sa dalawa o tatlong accounts kung ika’y hindi madalas na nakapag-a-update sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

  1. Isusumite ko ba ito na naka-MSWord o PDF format?

Karamihan sa databases ay gumagamit ng “keyword search features” upang bigyan ang recruiters ng madaling panahon sa pagsusuri ng libo-libong resumes. Lubos na inirerekomenda ang pagsagot o pag-fill out ng electronic application form at pagsumite ng resume na nasa Word format upang mapabilis at mapadali ang paghahanap ng “skill matches.” Liban sa resume, inirerekomenda rin ang pagpasa ng cover letter.

  1. Gumamit ng hiwalay na personal email address.

Sa pagsusumite ng resume online, siguraduhing na personal email ang gagamitin sa pagtanggap ng abiso at imbitasyon mula sa employers. Huwag gamitin ang email sa trabaho o opisina. Inirerekomenda ang paggawa ng hiwalay at personal na account na tanging gagamitin sa online job applications (halimbawa [email protected] or [email protected]). Makatutulong ito sa madaling pag-monitor ng updates ukol sa job application at naihihiwalay ang mga regular na personal emails na maaaring dumagsa na konektado sa iba pang online accounts. Makatutulong din ito upang mabilis ang pagtugon sa mensahe gamit ang business-like address.

  1. Huwag kalimutan ang username at password.

Bagaman pinahihintulutan ng job boards ang pagkakaroon ng panibagong password sakaling malimutan ang orihinal na password, inirerekomenda na pagkaingatan ang user credentials upang madali ang pag-update ng profile sa oras na kailanganin.

  1. Huwag magpasa ng password-protected documents.

Ang dahilan ng pagpapasa ng aplikasyon online ay upang maging madali sa recruiter na ika’y mahanap. Hindi hinihikayat ang pagpapasa ng password-protected document sapagkat:

  1. magreresulta ito upang lagpasan o hindi bigyang pansin ng recruiter ang aplikasyon lalo na kung mayroong higit isang daang resumes ang kailangang suriin,
  2. nawawala ang pagkakataong makita ang iyong aplikasyon ng recruiters.

Ang job boards ay public databases kung saan inilalabas ang tala ng mga trabaho ng mga kasaping kumpanya anumang oras na makikita ng mga aplikante.

Natatanggap ng employer ang mga aplikasyon online sa buong panahon na itinakdang bukas ang trabaho. Milyon-milyong aplikasyon ang isinusumite kada araw gamit ang job boards. Ang mga ito ay kadalasang libreng nagagamit at nagbibigay kaparaanan sa pagsusumite ng resume. Sundan ang mga hakbang upang ang iyong mahusay na ginawang resume at cover letter ay magdala sa iyo tungo sa bagong trabaho!

©2019 Ikon Solutions Asia, Inc.

All rights reserved.  No part of this article shall be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without written permission from Ikon.  No patent liability is assumed with respect to the use of the information contained herein.  Although every precaution has been taken in the preparation of this article, the publisher and author assume no responsibility for errors or omissions.  Neither is any liability assumed for damages resulting from the use of information contained herein.

Ikon specifically disclaims any responsibility for any liability, loss or risk, personal or otherwise, which is incurred as a consequence, directly or indirectly, of the use and application of any of the contents of this article.

Back to Mobile Site