fbpx

Announcements

OFWs, PWDs, senior citizens, di kailangang pumila sa pagkuha ng passport

Date Posted: 01/10/2018

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na di na kinakailangang mag-set pa ng appointment ang mga overseas Filipino workers, person with disability at senior citizen para lamang makapag-apply ng kanilang mga pasaporte.

“Ang mga OFW walang kailangang appointment,” ito ang tugon ni DFA Assistant Secretary Frank Cimafranca ng Office of Consular Affairs, Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay Cimafranca, basta dala ng aplikante ang lahat ng kinakailangang dokumento sa pagkuha ng kanyang pasaporte ay maaari na siyang mag-apply bilang walk-in sa priority lane sa tanggapan ng DFA Aseana o regional consular satellite offices nito.

Maaaring mag-avail ng priority lane ang mga sumusunod:

1. Senior citizens with senior citizen ID
2. Person with disability with PWD ID or visible disability
3. Solo Parent with valid Solo Parent ID
4. Pregnant women with medical certificate
5. Minors seven years old and below

“They can just come to any of our office, walk-in and apply,” sabi ni Cimafranca.

Sabi ni Cimafranca, ang paalalang ito ay makikita rin kaagad sa kanilang website.

Ibinahagi naman ni Cimafranca na ginagawan na rin nila ng paraan para mas maging madali para sa mga naghahanap ng trahabo sa abroad na makakuha ng pasaporte.

“We are also trying to accommodate them by creating a portal. This portal can be used by a recruitment agency. They will have to go through a special portal para mabilis sila,” sabi niya.

Dagdag niya, ang bagong innovation na ito ay nakatakdang ilunsad ngayong linggo.

PASSPORT APPOINTMENT

Samantala, inuulan ng batikos ngayon ang Facebook page ng DFA dahil sa umano’y kabiguan ng karamihan na makapag-set ng passport appointment sa website nito.

Sabi ng iba, walang available appointment sa loob ng tatlong buwan. Isinisisi naman ng ilan sa mga fixer at travel agencies ang delay sa pagse-set ng appointment.

“We can hardly cope with the demand for passports, that’s why we are trying to address this by trying to increase our capacity,” sabi ni Cimafranca.

Banggit din niya na may mahalagang iaanunsiyo si DFA Secretary Alan Peter Cayetano sa Biyernes hinggil sa pagresolba sa congested appointment system.

Tinatayang aabot sa 12,000 hanggang 15,000 ang pinoprosesong passport application ng DFA araw-araw.

“We have only an ideal number that we can process daily,” paliwanag ni Cimafranca.

Setyembre ng nakaraang taon nang maglabas ng press release ang DFA hinggil sa pagbabalik nito ng passport appointment slots sa publiko.

Ayon sa press release, inalis na ng DFA ang nakareserbang 1,200 fixed appointment slots kada araw para sa passport application at renewal ng mga kliyente ng travel agencies.

Ibinalik na ito sa slots ng regular na aplikante. Ang naturang patakaran ay ipinatupad noong Agosto 1, 2017.

Published Date: January 10, 2018
Source: ABS CBN News

Back to Mobile Site