fbpx

Career Tips

Mga Paraan Upang Makamit ang Trabaho sa Kabila ng Limitadong Karanasan

Date Posted: 06/20/2020

Kinahaharap mo ba ang karaniwang problema nang pagkabigong makuha ang partikular na trabaho dahilan sa kakulangan ng angkop na karanasan, gayon din ang kabiguang makamtan ang pangangailangang ito? Huwag mangamba sa kawalan nito. Tandaan na ang hinahanap sa aspekto ng karanasan para sa isang trabaho ay maaaring magbago kaya’t huwag maramdaman ang kakulangan. Naghahanap ang mga recruiter ng mayroong karanasan subalit ang kanilang tinatanggap ay mga indibidwal na may mahusay na profile sapagkat hindi laging nakahahanap ng mahuhusay na aplikante.

Narito ang ilang suwestiyon na maaaring makatulong upang makakuha ng trabaho abroad sa kabila ng limitadong karanasan:

Maging praktikal tungkol sa iyong kapasidad
Maaari mong palawigin ang iyong karanasan subalit marapat na ito’y makatotohanan. Huwag maghangad ng mga posisyong kung saan ganap ang kawalan ng kaalaman sapagkat maaaring hindi mo magawa ang trabaho at mapaalis. Bagkus, mag-aplay sa mga trabaho o posisyong may kinalaman sa iyong piniling larangan.

Pag-aralan ang iyong kalakasan
Maaari mong epeketibong maipakita ang sarili bilang karapat-dapat kung tunay kang naniniwalang mayroon kang maibabahagi. Aralin kung saan ka mahusay at kung ano ang tunay na nais mong gawin sa propesyonal na buhay. Alamin kung ano ang mga pinakakinahihiligang gawin at magpokus sa iyong higit pang pagyabong. Kamtin ang pagpapabuti ng sarili sa aspektong nangangailangan nito upang magtagumpay sa pagprisinta ng sarili. Huwag matitinag sa iyong paniniwala sa sariling kapasidad upang sinsero at kumpiyansang mo itong maialok.

Pagtibayin ang iyong kapasidad
Palawigin ang kaugnayan ng iyong limitadong karanasan sa pangangailangan ng posisyon. Hikayatin ang overseas recruiters na agad na suriin ang iyong resume at magpokus sa iyong talino taglay, dating, pag-uugali, pagkamausisa maging sa iba pang gampanina at etika sa trabaho upang kanilang hindi mapagtuunan ng pansin ang mga bagay na wala sa iyo. Bigyang diin ang iyong abilidad sa malalimang pagsusuri ng iyong dating posisyon at ang mahalagang parte nito sa kabuuang proseso sa trabaho. Kumbinsihin ang recruiters sa pamamagitan ng paglalarawan ng lohikal na ugnayan ng dating trabaho at ng iyong inaaplayan. Magpakita ng pagpapahalaga sa kabuuan ng trabahong nais pasukin, sa magiging parte, at bigyang diin ang iyong kapasidad na agarang makaunawa ng mga bagong gawain. Ipakita ang iyong matinding kagustuhan at kahandaan na makapasok sa bagong trabaho matapos sa dating trabaho.

Mangako ng panibagong kaparaanan
Tunay ang mga pagkakataong hindi naman lubusang negatibo ang hindi pagkakaroon ng karanasan at hindi rin ito minsan hadlang upang makuha ang bagong trabaho abroad kahit pa na hindi ganap ang iyong kaalaman dito. Maraming na ang mga bagong kaparaanan mula sa isang baguhan ay nagdala ng tagumpay. Kaya sa kabila ng kakulangan sa karanasan, ipakita ang iyong natatanging abilidad, inobatiba, at ika’y hindi lamang nakakondisyon sa dating karanasan. Ipakita ang kakayahan sa malawak na pagtanaw sa mga bagay-bagay sa ibang paraan habang nakapagbibigay ng halaga sa kasalukuyang mga paraan ng pangangasiwa ng posisyon.

Epektibong gamitin ang iyong soft skills
Kung kulang ang karanasan sa anumang larangan, dalawang bagay ang tinitignan sa iyo, una, ang iyong kaalaman tungkol sa larangang pinili o field of expertise at mga pagsasanay, pangalawa, ang iyong potensyal na trumabaho sa ibang larangan. Dito nagiging kritikal ang soft skills o mga pag-uugali, kagandahang-asal, kaanyuan at iba pa na iyong magagamit upang epektibong iprisinta ang potensyal habang bahagyang isinasantabi ang kakulangan ng karanasan.

Magsaliksik sa bagong propesyong papasukin
Magsaliksik nang maigi upang mayroong kumpiyansang makipag-usap ukol sa bagong larangan. Maghanap ng mga maaaring pagmulan ng impormasyon tungkol sa bagong gampanin, ang isinasagawa nito sa buong sistema partikular sa industriya, ano ang mahahalagang resultang kinakamtan, at mga pangangailangan para sa posisyon.

Gumamit ng blogs para maghanap ng impormasyon
Gamitin ang napakaraming blogs na pagmumulan ng mga ideya mula sa ‘di mabilang na propesyonal na hayagang nagbabahagi ng kanilang opinyon, payo, at gabay tungkok sa iba’t ibang larangan at paksa. Isa ito sa mga paraan upang maging maalam ang isang indibidwal na kulang sa karanasan. Ang pagkonekta sa mga blog ng indibidwal na maraming nalalaman sa isang larangan ay maghahatid ng maraming impormasyon na maaari mong gamitin bilang propesyonal na pakinabang.

Bumuo ng koneksyon sa industriya
Humanap at bumuo ng koneksyon sa loob ng industriya na maaari mong magamit upang makakuha ng impormasyon sa trabaho o maging ng referrals.

Iangkop ang resume bawat isinusumiteng aplikasyon
Ang maimbitahan sa panayam ay nakadepende sa kung paano mo ipakikilala ang sarili sa papel o sa iyong resume. Laging isaayos ito base sa trabahong nais pasukin kasama ang pagbanggit ng mga nakaraang trabaho. Isama ang mga impormasyon ukol sa dating trabaho maging ang mga ilang gawaing hindi man direkta sa iyo ay naging bahagi ka. Iugnay ang iyong abilidad, naisin, at mga tagumpay sa hinahanap ng recruiter.

Gumawa ng epektibong cover letter
Tandaan, ang cover letter ay ang iyong repleksyon at makapangyarihang gamit na mag-aalis ng hadlang sa pagitan mo at ng recruiters. Kumbinsihin ang recruiter na suriin ang iyong resume gamit ang maikli subalit malinaw na introduksyon ng iyong profile, magpaliwanag ng kadahilanan kung bakit ninanais mo ang baging posisyon nang hindi nagbabanggit ng anumang kabawasan ukol sa dating trabaho.

Bumuo ng oportunidad na mainterbyu
Sa kabila ng kakulangan sa karanasan, huwag magdalawang isip na subukang kumonekta sa naising employer upang maimbitahan sa isang interbyu. Tangan ang kumpiyansang iyong kakayanin, mga saliksik, kamtin ang pagkakataong mainterbyu.

Sa huli, nasa iyong paniniwala kung paano mo magagampanan ang trabaho na higit sa iyong karanasan. Tandaan, ang maniwala sa iyong kalakasan ay makatutulong upang bigyang konsiderasyon ka ng recruiter tangan ang iyong pangako sa kabila ng kakulangan sa karanasan.

©2020 Ikon Solutions Asia, Inc.
All rights reserved. No part of this article shall be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without written permission from Ikon. No patent liability is assumed with respect to the use of the information contained herein. Although every precaution has been taken in the preparation of this article, the publisher and author assume no responsibility for errors or omissions. Neither is any liability assumed for damages resulting from the use of information contained herein.

Ikon specifically disclaims any responsibility for any liability, loss or risk, personal or otherwise, which is incurred as a consequence, directly or indirectly, of the use and application of any of the contents of this article.