fbpx

Career Tips

Paano Gawing Kapansin-pansin ang Resume

Date Posted: 10/14/2019

Mayroong mahalagang pakinabang ang resume at iyon ay upang maimbitahan sa isang panayam ng ninanais na employer. Gaya ng mga epektibong patalastas sa telebisyon o diyaryo na magdudulot sa iyo upang kumilos gayon din marapat ang iyong resume. Upang maging kapansin-pansin, kinakailangan na iyong mahikayat ang bumabasa sa isang paghaharap.

Narito ang ilang gabay sa paggawa ng epektibong resume:

  1. Hindi lamang simpleng talaan ang iyong resume.

Ano ang iyong mga mahahalagang maaaring maiambag sa organisasyon o kumpanya? Magbanggit ng mga partikular na pakinabang para sa kumpanya sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa mga naging tagumpay sa nakaraang trabaho. Magdudulot ito ng kagustuhan para sa employer na ikaw ay kilalanin pa at kapanayamin.

  1. Sagutin ang katanungang: Anong klase ng aplikante ang pinakamainam para sa trabaho?

Alamin at unawaing maigi ang katungkulan sa trabahong inaaplayan sa pamamagitan ng pagsuri ng “job description” sa “careers section” ng website ng kumpanya. Magbibigay ito ng ideya kung ano ang hinahanap ng employer at upang iyong maihambing sa sariling kwalipikasyon. Tandaan na kung isang patalastas ang iyong resume, marapat na maghayag ito base sa pangangailangan ng mamimili at makahikayat.

  1. Ilahad ang obhektibo

Pag-isipan ito bilang isang pambungad na pamagat ng patalastas. Ang isang pangungusap na pupukaw sa atensyon ng mambabasa at maggigiit ng kwalipikasyon sa trabaho. Halimbawa, nangangailangan ang kumpanya ng <qualities, achievement> para sa <posisyon>. Tanungin ang sarili kung nanaisin ba ng bumabasa na makipag-ugnayan matapos mabasa ang nakasulat.

  1. Magbigay ng mga pagpapatunay o ebidensya

Ang parteng ito ay marapat na maging buod ng mga karanasan sa trabaho, kakayahan, at mga tagumpay. Sa oras na makuha ng obhektibo ang atensyon ng bumabasa, susunod na ang pagpapanatili ng atensyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng maikli subalit nakapanghihimok na dahilan kung bakit marapat na tanggapin ng kumpanya.

  1. Propesyonal na presentasyon

Ang hindi magandang patalastas ay repleksyon ng mababang klaseng tatak. Ihahayag ng iyong resume ang iyong personal na “brand” o pagkakakilanlan. Siguraduhing masundan ang mga sumusunod:

  • nababasa at iisang gamit ng “font style
  • tamang baybay, gramatika, at gamit ng bantas
  • maigsing paliwanag ukol sa dating trabaho

Ang Ikon ay nagbibigay ng libreng serbisyong pagpapayo ukol sa career para sa mga aplikanteng nagnanais magtrabaho abroad.

©2019 Ikon Solutions Asia, Inc.

All rights reserved.  No part of this article shall be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without written permission from Ikon.  No patent liability is assumed with respect to the use of the information contained herein.  Although every precaution has been taken in the preparation of this article, the publisher and author assume no responsibility for errors or omissions.  Neither is any liability assumed for damages resulting from the use of information contained herein.

Ikon specifically disclaims any responsibility for any liability, loss or risk, personal or otherwise, which is incurred as a consequence, directly or indirectly, of the use and application of any of the contents of this article.