fbpx

Career Tips

Mga Paraan Upang Hindi Kabahan sa Interview

Date Posted: 05/20/2020

Ang interview ay isang paraan upang magkakilala ang kandidato sa trabaho at employer at maintidihan ang isa’t-isa na maaaring magkapareho upang mas maging swabe ang trabaho. Kapag pumipili ng isang trabaho, siguraduhing akma ka para sa trabaho, alam mo ang hinahanap nito sa’yo, at ang iyong mga training at edukasyon ay inihanda ka para sa pagkakataong ito. Kung sakto sa iyo ang trabaho, wala ka dapat ni katiting na kaba. Kung papalarin at pipiliin ang nararapat, ikaw ang kwalipikado sa posisyon.

Pero kung kinakabahan ka, maaaring hindi naabot ng iyong profile ang mga kwalipikasyon sa iyong ina-applyan o hindi ka naniniwala sa iyong kakayahan kaya ka kinakabahan. Isaisip na ang mga interview ay hindi ginagawa upang tanggalan ka ng tiyansang makapagtrabaho kung hindi isang paraan para mas makilala ka pa. Mabuti kung mag-iisip ka na ng sagot sa mga maaaring katanungan.
Maaaring mawala ang iyong kaba sa simpleng paraan ng pagtitiwala sa iyong sarili at paniniwalang pasok ka sa trabaho.

Huminga ka.

Ang mabilis na paghinga ay kumakalma ng kalamnan. Ipikit ang mga mata, klaruhin ang pag-iisip, at huminga ng malalim para ma-relax. Alamin kung anong bumabagabag sa iyo at kung anong aspeto ng trabaho ang kailangan mong pagtuunan ng pansin.

Kontrolin ang sarili.

Kontrolin ang sarili at pigilan ang desperasyon dahil maaarng hindi maging maganda ang kalalabasan. Hinahanap mo ang pagtanggap ng kompanya sa pagpapakita ng iyong abilididad at sipag sa trabaho. Tandaan na hindi lamang ito ang trabaho abroad na makikita mo, marami pang naghahanap ng iyong serbisyo.

Baliktarin ang interview.

Tandaan na ang interview ay salawahan sa pagitan ng employer at potensyal na employee. Maaari mong tanggihan ang trabaho kung hindi nito matutugunan ang pangangailangan mo.

Magswitch mula negative papuntang positive mood.

Isipin na ang interview ay isang presentasyon kung saan mas makikilala ka nila kaya dapat may ipakilala mo ang iyong sarili. Gumawa ng inaasahang mga tanong at sagutin ang mga ito sa harap ng salamin ng may kompiyansa sa mabagal na paraan. Tignan palagi ang body language ng mga nag-iinterview sa iyo. Panatilihin ang eye contact at huwag tumingin sa iyong paa kung kinakabahan sa tuwing hindi alam ang isasagot.

I-research ang kompanya.

Alamin kung ano ang kanilang negosyo, kung sino ang may-ari, kung nakalista ba ito sa stock market, kung saan ang mga opisina at iba pa. Aralin ang kasaysayan nito at reputasyon, kung ano ang mga activities ng kompanya, ang kultura nito, pananamit, work hours, at kung anong klase ng tao ang kanilang tinatanggap.

Intindihin ang inaalok na trabaho.

Aralin ang job requirements, kaalaman, abilidad para sa trabaho, at tignan kung gaano karami sa iyong abilidad ang magtutugma sa posisyon at kung saang mga aspeto ka kailangang mag-ingat. I-match ang iyong role sa kanilang hinahanap at mas magiging kompiyansa ka.

Huwag magpakain sa pressure.

Kung wala kang tamang sagot sa mga tanong, maging totoo at magtanong kung maaaring simplehan ang katanungan at ang kaba ay unti-unting mawawala. Tatanungin ka lamang ng mga tanong na may lawak sa mga problemang maaari mong kaharapin sa trabaho.

©2020 Ikon Solutions Asia, Inc.

All rights reserved. No part of this article shall be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without written permission from Ikon. No patent liability is assumed with respect to the use of the information contained herein. Although every precaution has been taken in the preparation of this article, the publisher and author assume no responsibility for errors or omissions. Neither is any liability assumed for damages resulting from the use of information contained herein.

Ikon specifically disclaims any responsibility for any liability, loss or risk, personal or otherwise, which is incurred as a consequence, directly or indirectly, of the use and application of any of the contents of this article.