Career Tips
Huwag Hayaang Magdulot ng Stress ang Pabayang Katrabaho
Date Posted: 04/6/2020
Walang perpektong lugar ng trabaho. Hindi ito umiiral. At hindi maiiwasang makatatagpo ka ng isang pabayang kasamahan sa trabaho. Ngunit, huwag mainis o mabahala. Maaaring iiwas ang sarili mula sa stress na kanyang maaaring idulot. Narito ang ilang ideya upang makaiwas:
Huwag magpaapekto nang lubusan
Mahirap man, sikaping hindi pansinin at mabahala sa kawalan ng aksyon ng pabayang katrabaho at panatilihin ang atensyon sa sariling trabaho. Tandaan na hindi sa kanila nakasalalay ang iyong trabaho kundi sa iyo.
Huwag umastang musmos sa ideya ng pagiging patas
Tunay man na hindi makatarungan o patas ang sitwasyong katiting na pagkilos ang ginagawa ng katrabaho, huwag mag-alala sapagkat mabibigyang pansin din ang iyong pagsisikap sa trabaho at mahaharap ang nasabing katrabaho sa resulta ng kapabayaan.
Sabihin ang problema sa nagkulang na katrabaho, hindi sa nakatataas o boss
Sa nasabing sitwasyon, panatilihin lamang ang problema sa pagitan ninyo, hindi kinakailangang idulog pa sa nakatataas. Ipaalam ang suliraning naidudulot ng pagpapabaya at bigyan pang muli ng pagkakataong baguhin ang nakagawiang pag-uugali.
Isapersonal ang kaparaanan
Magkakaiba-iba ang kaparaanan ng pagtugon sa bawat uri ng personalidad kaya marapat na iyong gamitin ang kakayahan sa pagtugon sa iba’t ibang uri ng tao. Dapat ding maging totoo sapagkat ang iyong pagkilos ay diditerminahin ang iyong karera. Huwag ding magpadala sa emosyon, galit, o klase ng pagkakaibigan at simpatya na makapipigil at makaaapekto sa iyong trabaho.
Huwag magpadala sa kakayahan nitong makahalina
Obserbahan ang pagsasawalang bahala niya sa iba at tahasang paggamit ng kanyang ‘charm’ at abilidad na pumukaw ng pabor, huwag hayaang ika’y samantalahin ng paulit-ulit na paghingi ng tawad at mga pangako ng pagbawi. Maaari niya itong patuloy na ulit-ulitin at himukin na ika’y kumilos na tila walang nangyari matapos ng pagpapabaya at mga ikinilos sa trabaho. Maaari ring mangyari na ika’y baliktarin kapag hindi ka na niya kakailanganin.
Huwag isiping ika’y obligado na tumulong
Bagaman ayos lamang na tugunan ang pagkukulang ng nagpapabayang katrabaho, paminsan-minsan, huwag hayaang itong palagiang gawin sapagkat ito’y maaaring mauwi sa pang-aabuso.
Magkaroon ng tala o dokumentasyon
Magkaroon ng rekord ng mga gawain o pagkakataong ika’y nakihalubilo upang matugunan ang mga problemang dulot ng pabayang kasamahan. Magsisilbi itong patunay o batayan sa mga pagkakataong iyong sinubukang maimpluwensyahang mabago ang pag-uugali ng katrabaho subalit huwag itong palabasin o gamitin bilang katuwitan sa kung anumang pagkukulang sa sariling gawain.
Sa paglala ng suliranin, ipagbigay alam sa nakatataas
Magbigay abiso sa iyong boss ngunit gawin ito bilang huling opsyon. Bigyang kasiguraduhan din ang inyong boss na iyong muling gagawan ng paraan ang problema subalit kakailanganin mo ang tahimik nitong pagsuporta. Gayunman, maging mapanuri rin sa loyalty at ethnic factors sapagkat sa isang multi-cultural na grupo, maaaring ang iyong boss at ang nasabing pabayang katrabaho ay mula sa iisang komunidad o bansa na naiiba mula sa iyong pinanggalingan.
©2020 Ikon Solutions Asia, Inc.
All rights reserved. No part of this article shall be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without written permission from Ikon. No patent liability is assumed with respect to the use of the information contained herein. Although every precaution has been taken in the preparation of this article, the publisher and author assume no responsibility for errors or omissions. Neither is any liability assumed for damages resulting from the use of information contained herein.
Ikon specifically disclaims any responsibility for any liability, loss or risk, personal or otherwise, which is incurred as a consequence, directly or indirectly, of the use and application of any of the contents of this article.