fbpx

Career Tips

Madali Lang Makahanap ng Trabaho sa Ibang Bansa

Date Posted: 09/27/2019

Nagawa mo na ba ang kahit na ano sa mga ito ngayong taon?

  • Nag-upload ng resume para sa trabaho sa ibang bansa?
  • Pumunta sa panayam ng isang recruitment agency?
  • Nakapagpa-panayam kasama ang employer?
  • Nakapagpa-medical examination para sa trabaho sa ibang bansa?
  • May propesyonal na lisensya para sa minamatang trabaho sa ibang bansa?
  • Maghintay nang napakatagal sa tawag ng recruitment agency?

Kung “oo” ang sagot mo sa kahit ano sa mga katanungan na iyan at patuloy ka pa rin naghihintay, naisip mo na bang tanungin ang iyong sarili kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa din nagtatagumpay sa pagkakaroon ng trabaho sa ibang bansa?

Huwag kang mag-alala dahil hindi ka nag-iisa. Madalas, ang mga Pilipinong may ambisyong magtrabaho sa ibang bansa ay kulang lamang sa pagpaplano. Mas maganda na magkaroon ka ng plano at layunin kung bakit mo nais magtrabaho sa ibang bansa.

Madali lang makuha ang trabahong iyong inaasam: magkaroon ng disiplina sa sarili at ilagay ang mga mata sa iyong mga layunin.

Narito ang mga paraan sa paghahanap ng trabaho:

  • Magplano
  1.  Saan?

Kung ang posisyon na iyong napupusuan ay in-demand at may malalim ka ng karanasan sa posisyon na iyon, maaari kang mamili kung saan mo nais magtrabaho na bansa o kumpanya. Minsan, kinakailangan mong pumili ng trabahong akma ang kita. Kung marami kang minamatang mga bansa na gustong pagtrabahuhan, alamin ang kultura, lenggwahe, at kaugalian ng bansang iyon. Mahirap tumira sa bansang hindi ka masaya sa uri ng pamumuhay.

  1. Kailan?

Huwag madaliin ang paghahanap ng trabaho sa ibang bansa, bigyan ng panugit ang sarili kung kailan mo gustong lumipad para magtrabaho. Hindi madaling maghanap ng trabaho sa ibang bansa. Kakainin nito ang oras mo kaya mas mainam na magtakda ka ng oras kung kailan ka magiging handa sa iyong pag-alis. Isama mo na rin ang pagdalo ng mga job interviews at pagpunta sa mga actual job openings. Aabutin ng tatlong buwan hanggang isang taon ang proseso at kasama pa ang pag-aayos ng Visa at pre-departure processing. Ang isang manggagawa na napili para magtrabaho sa ibang bansa ay may 15-30 na araw para pumunta sa kanilang trabaho abroad.

PAALALA: Ang pagpupumilit na makapasok sa isang trabahong na hindi ka tugma sa kwalipikasyon ng employer ay hindi ka matutulungang makuha ang trabaho.

  1. Sino?

Alamin kung kanino mo gustong magtatrabaho. Magsaliksik sa mga kompanyang ito. Mas marami, mas maganda. Subukang isipin na nagtatrabaho ka na sa kompanyang iyon. Anong work environment ang meron sa kompanya na iyong pagtatrabahuan na kailangan mong isa-alang-alang para ikaw ay magtagal roon? Subukang bisitahin ang Workabroad website para maghanap ng mga puwedeng trabaho overseas.

  1.  Ano?

Kung wala ka pang sapat na kasanayan sa trabahong minamata, puwede kang maghanap muna ng entry level jobs. Kung gusto mong maging Cook o tagapagluto, dapat siguraduhin mong kumpleto ang rekados mo sa educational background at mga pagsasanay ng hindi bababa sa isang taon bilang Assistant Cook o Junior Cook.

Sa kabilang banda, ang mid-level/supervisor na posisyon ay nababagay kung may sapat nang work experience na hindi bababa sa apat at hihigit sa limang taon. Ibig sabihin, may sapat ka nang karanasan at kasanayan sa trabahong ito, marami ka nang nakasalamuhang tao, marami ka nang pagsubok na napagdaanan at naiambag na sa iyong employer.

  • Maghanap na maaasahang recruitment agency

Ang maasahang recruitment agency ay hindi lang nagtatapos sa kung nagtagumpay ka na sa career o karera mo sa buhay at sa hinaharap.  Hindi lang dapat maaasahan, dapat ay pinagkakatiwalaan mo rin dahil siya ang tatayong tagapayo dahil alam niya ang mga naging trabaho mo at kung ano ang bagay na trabaho para sa iyo. Maghanap ka ng subok na, matatag, at maaasahang recruitment agency.

Ang pagtatrabaho sa ibang bansa ay isang desisyong hindi basta-basta. Ito ang kinakailangan ng mabusising pagpaplano para makuha ang iyong aplikasyon; pre-departure; employment; at exit processes para sa ikagiginhawa mo at ng iyong employer. Kailangang naihanda ng iyong recruitment agent ang lahat ng kailangan.

©2019 Ikon Solutions Asia, Inc.

All rights reserved.  No part of this article shall be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without written permission from Ikon.  No patent liability is assumed with respect to the use of the information contained herein.  Although every precaution has been taken in the preparation of this article, the publisher and author assume no responsibility for errors or omissions.  Neither is any liability assumed for damages resulting from the use of information contained herein.

Ikon specifically disclaims any responsibility for any liability, loss or risk, personal or otherwise, which is incurred as a consequence, directly or indirectly, of the use and application of any of the contents of this article.